
Sa ikatlong linggo ng Moon Embracing The Sun, ipinagtapat na ni Prinsipe Yang Myung (Lee Tae-ri) kay Prinsipe Lee Hwon (Yeo Jin-goo) na si Yeon Woo (Kim Yoo-jung) lamang ang nag-iisang babaeng minahal niya.
Labis ang pagsisisi ni Prinsipe Lee Hwon na hindi niya naprotektahan si Yeon Woo hanggang sa pagkamatay nito.
Sa muling paggising ni Yeon Woo mula sa kamatayan, nabura ang lahat ng alaala nito. Ginamit itong pagkakataon ni Lady Cha para bigyan ng bagong pagkatao si Yeon Woo bilang si Wol (Han Ga-in) at maitago ang nakaraan nito.
Samantala, labis na nasaktan si Bo Kyung (Kim Min-seo) sa sinabi ni Haring Lee Hwon (Kim Soo-hyun) na kailanman ay hindi siya kayang mahalin nito. Hanggang ngayon, ang tanging hinahanap-hanap ng hari ay si Yeon Woo.
Sa paglalakbay ni Haring Lee Hwon sa labas ng palasyo, isang babae ang tumulong sa kanila para pansamatalang magkaroon ng matutuluyan. Muli kayang maaalala ni Wol ang kanyang nakaraan sa muling pagkikita nila ng hari?
Dahil sa pagkakasakit ng hari, ipinag-utos ng Dakilang Inang Reyna na papasukin ng palasyo ang itinakdang babaylan, si Wol, para gamutin ang hari mula sa sumpang sakit.
Patuloy na subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.