
Sa ikaapat ng linggo ng Moon Embracing The Sun, tuluyan nang nakapasok ng palasyo si Wol (Han Ga-in) bilang isang babaylan. Layunin ni Wol na pagalingin ang hari mula sa sumpang karamdaman nito.
Sa pagbabalik sa palasyo, hiniling ng dakilang inang reyna na makita si Wol para mapasalamatan ito sa pagbuti ng kalagayan ng hari. Pero hindi pumayag ang punong babaylan sa nais ng inang reyna at gumawa ng dahilan para maitago ang tunay na katauhan ni Wol.
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Wol at Haring Lee Hwon (Kim Soo-hyun) sa palasyo. Labis na ikinagalit ng hari ang mga alaala ni Yeon Woo na nakita ni Wol mula sa kanya.
Samantala, patuloy na naguguluhan si Haring Lee Hwon sa tunay na nararamdaman niya para kay Wol. Hindi nito maiwasang ihambing ang huli kay Yeon Woo dahil sa pagkakahawig ng mga ito.
Labis namang nasaktan si Wol nang ipamukha sa kanya ng hari na hindi siya maaaring ibigin nito. May nararamdaman na rin kaya si Wol para sa hari?
Patuloy na subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 pm sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.