
Muli nating balikan ang kuwento ng pag-ibig nina Haring Lee Hwon (Kim Soo-hyun) at Heo Yeon-woo/Wol (Han Ga-in) ng historical drama na Moon Embracing The Sun sa GTV.
Magbabalik din sina Yeo Jin-goo (Prinsipe Lee Hwon), Kim Yoo-jung (batang Yeon-woo), Jung Il-woo (Prinsipe Yangmyung), Kim Min-seo (Yoon Bo-kyung), Kim So-hyun (batang Yoon Bo-kyung), at Lee Tae-ri (batang Prinsipe Yangmyung).
Labing-tatlong taon lamang noon si Heo Yeon-woo, anak ng mataas na opisyal, nang magkakilala sila ni Prinsipe Lee Hwon. Sa madalas na pagkikita, umibig sina Yeon-woo at Prinsipe Lee Hwon sa isa't isa.
Pero bago maikasal sina Prinsipe Lee Hwon at Yeon-woo, gumawa ng paraan ang Dakilang Inang Reyna para hindi matuloy ang kasal ng itinakdang hari.
Sikretong inutusan ng inang reyna si Lady Jang, isang babaylan, na magsawa ng mahika para magkaroon ng malalang sakit si Yeon-woo. Hanggang isang araw, nabalitaan na lamang ng lahat na pumanaw na si Yeon-woo.
Makalipas ang walong taon, bumalik si Yeon-woo bilang isang babaylan sa pangalang Wol na ang ibig sabihin ay buwan. Nang makita ni Haring Lee Hwon si Wol, muli niyang pinaimbestigahan ang pagkamatay ni Yeon-woo. Sa pagsasagawa nito, haharapin niya rin ang makapangyarihang angkan ng inang reyna.
Mabibigyan kaya ng pangalawang pagkakataon ang pag-ibig nina Haring Lee Hwon at Yeon-woo?
Subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GTV.
Samantala, mas kilalanin pa si Kim Soo-hyun sa gallery na ito: