
Sa ikalimang linggo ng Moon Embracing The Sun, inamin na ni Wol (Han Ga-in) kay Lady Jang ang tunay na dahilan kung bakit nais niyang umalis ng palasyo.
Masakit para kay Wol na makita si Haring Lee Hwon (Kim Soo-hyun) na patuloy na nasasaktan dahil naaalala ng huli si Yeon Woo sa kanya.
Nalaman na rin ni Wol ang dahilan kung bakit lubos na nangungulila ang hari kay Yeon Woo. Hiniling ni Haring Lee Hwon kay Wol bilang isang babaylan na kausapin si Yeon Woo sa kabilang buhay at iparating ang pagmamahal niya rito.
Samantala, nalaman na ni Haring Lee Hwon ang planong pag-alis ni Wol sa palasyo. Labis itong ikinagalit ng hari at pinakiusapan si Wol na huwag siyang iwan.
Sa kabila ng masasakit na nangyari, patuloy na sinuportahan ni Wol ang hari at hiniling sa huli na huwag nitong sisihin ang sarili sa pagkamatay ng mga taong malalapit sa kanya.
Dahil sa nahihirapang makitang paulit-ulit na lamang na nasasaktan si Wol sa loob ng palasyo, inamin na ni Prinsipe Yang Myung (Jung Il-woo) ang pag-ibig para rito. Nais ng prinsipe na umalis na lamang silang dalawa sa palasyo.
Tutuparin kaya ni Wol ang hiling ng hari na huwag umalis ng palasyo?
Patuloy na subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.