
"This year, mas marami pang hiwalayan sa mas matatagal na relationships ang posibleng dumating."
'Yan ang fearless prediction ng feng shui expert na si Master Hanz Cua nang makapanayam siya ng GMANetwork.com noong Sabado sa "Feel the Luck at Wastons" event, o ang Chinese New Year celebration ng pinakamalaking health, wellness, and beauty retailer sa bansa.
Itong event na ito ay isinagawa sa kanilang SM North Edsa store, kung saan nakidalo ang ilang media members, vloggers at customers. Bukod sa pamimigay ng ang pao at promos ng naturang store, nagkaroon din ng traditional dragon at lion dance na hit na hit sa guests na nanood at nakisali.
Ayon pa sa celebrity feng shui expert, hindi na siya nasorpresa sa mga breakups ng mga artista last year.
Para sa mga hindi nakakaalam, ilan sa highly publicized breakups na naganap sa Year of the Rabbit (2023) ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Kate Valdez at Yasser Marta, Cherry Pie Picache at Edu Manzano, Andrea Brillantes at Ricci Rivero, Taong 2023 rin inanunsyo nina Jericho Rosales at Kim Jones na separated na rin sila.
Bago rin mag-Chinese Lunar New Year, humabol rin ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, na sa magpasa-hanggang ngayon ay laman pa rin ng usap-usapan sa social media.
"Last year, Year of the Rabbit, maraming hiwalayan, expected ni Master Hanz Cua yan, kasi naman last year, ang Rabbit kasi is a flirty or very malanding animal Zodiac yan.
"So maraming third party, maraming romance na may kinalaman sa infidelity, sa Year of the Rabbit. Pero nakita natin [na] may hiwalayan man, hindi sila naging attack on, hindi sila naging matapang. So mas naging kalmado sila.
"This year, mas marami pang hiwalayan sa mas matatagal na relationships ang posibleng dumating."
"Kasi ang Dragon this year is very aggressive, very matapang, very attack mode ang Dragon ngayon.
"'Tsaka kasi yung flying stars of feng shui natin ngayon this year, yung center ng bahay natin nandoon yung tinatawag nating anger at conflict, arguments.
"Kaya ang advice ni Master Hanz Cua sa mga mag-partners, habaan ang pasensya, 'wag hayaan uminit ang mga ulo, 'wag hayaan na sumawsaw pa ang ibang mga tao, 'wag hayaan na dumami pa ang issues n'yo, 'wag ipo-post sa social media.
"Pag-usapan, ayusin kaagad, para ma-prevent ang mga issues. This year, marami pa bang third party at infidelity? Marami pa po sa mga mas matatagal na relationships ang posibleng maghiwalay sa Year of the Wooden Dragon."
Pero ang paalala ni Master Hanz, nakadepende pa rin ito sa kung paano ihahandle ng mga magkasintahan ang kanilang mga relasyon. Hindi porket may banta ng hiwalayan ay ibig sabihin mangamba na sila o maging dahilan ito para magsaya or mag-celebrate ng mga magagandang milestones. Lalong-lalo na sa lahat, hindi ito dahilan para pagdudahan ang inyong mga partners.
"Muli po, ang love life, ang mga love stars, ay nakadepende sa pagiging hands-on sa pag-ibig. Dagdagan ang sipag at tiyaga sa relasyon, dahil kayo po ang gumagawa ng inyong mga love stories sa inyong mga buhay.
Sinimulan ang Chinese Lunar New Year celebration sa pamamagitan ng isang maingay at energetic na traditional dragon dance
(From left) Watsons PH Area Operations Manager Gina Ibay, Marketing Manager Patrick Yu, Store Manager Janice Leabriz, Senior Marketing Manager Dharrell Fontanilla, Assistant Marketing Manager Stefh Medina, and Area Operations Manager Lourdez Tamayo
BALIKAN ANG MGA NAGING REAKSYON NG ILANG CELEBRITIES SA HIWALAYAN NINA KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA: