
Ginayuma ni Mosang ang kanyang boy na si Junel para biktimahin ang isang faith healer sa 'Pranking in Tandem' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, November 24.
Magkukunwari sina Mosang at Junel na epektibo ang dalang gayuma ng kanilang biktima. Ang problema, darating ang asawa ni Mosang ang mahuhuli ang pakikipaglandian nito. Ano ang magiging kahihinatnan ng prank nila?
Samantala, tila marami rin ang nagayuma nang ipakilala ang tatlong KPop wannabes sa 'KPop Idol 2019.' Sa naunang segment, nagpakilig sina Jaymark Hernandez ng Olongapo City, Raji Panolong ng Pasig City at Ajay Balmores ng Bulacan. Nakipagkulitan pa sila kina Boobay at Tekla tungkol sa panliligaw.
Nagpagalingan din sila sa pagsagot sa Q&A portion. Sino kaya sa kanilang tatlo ang dapat tanghalin na 'KPop Idol 2019?'
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!