What's Hot

Mosang on Michael V : “Mga show ni Michael V tumatagal ng maraming taon”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 5, 2020 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada continues to pose rain, wind threats over Luzon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Sa eksklusibong panayam ng GMA Network.com kay Mosang, ipinakuwento namin sa kanya ang experience niya noong una siyang mag-taping para sa 'Pepito Manaloto.'


By AEDRIANNE ACAR


Isa sa mga nagpapatawa sa atin tuwing Sabado ng gabi sa 'Pepito Manalato: Ang Tunay na Kuwento' ang kuwelang kasambahay nila Pepito at Elsa na si Baby na ginagampanan ng veteran comedian at theater actress na si Mosang.

14 yaya characters we love watching on TV

Selfie with Baby of 'Pepito Manaloto'

Sa eksklusibong panayam ng GMA Network.com kay Mosang, ipinakuwento namin sa kanya ang experience niya noong una siyang mag-taping para sa 'Pepito Manaloto.'

Ayon kay Mosang sobra daw ang kaba niya ng ma-meet niya sina Michael V at Manilyn Reynes.

"Nung unang-una nakaka-nerbiyos kasi Michael V, tapos may Manilyn Reynes ka, so talagang takot na takot ako, but I really want to be in kasi iba 'yung tema nung palabas."

Gusto din daw niya na mapasama talaga sa show ni Michael V, dahil naniniwala siya na lucky charm ang magaling na komedyante.

"'Yung mga show ni Michael V tumatagal ng maraming taon 'di ba."

Hindi na din daw niya namalayan na halos anim na taon na ang kanilang sitcom at puring-puri niya si Bitoy, dahil napakabait daw nito sa kanilang lahat.

"I came from ABS-CBN, bata pa ako. And then lumipat ako sa Seven, so si Bitoy sabi ko until it came to a point na parang mag-two-two years ka na, three years ka na, tapos nag-a-abroad na kami 'yung ganun."

"He's a very good man at saka hindi siya madamot sa mga katulad namin na pumasok sa industriya."