Article Inside Page
Showbiz News
Isa si Kapuso actress Joyce Ching sa mga bagong sabak sa GMA Afternoon Prime show na 'Villa Quintana'. Kuwento ni Joyce, mula nang makasama siya sa show hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito, mayroon daw tatlong cast members na tumatak sa kanya. Sino kaya sila?

Isa si Kapuso actress Joyce Ching sa mga bagong sabak sa GMA Afternoon Prime show na
Villa Quintana. Pumasok ang character ni Joyce na si Crystal halos kasabay ng bagong characters nina Yvette (Diva Montelaba)at Linda (Katya Santos).
Nang bisitahin ng GMANetwork.com si Joyce sa taping ng
Villa Quintana, naabutan namin siyang nag-e-enjoy dito. Aniya, masaya raw ka-trabaho ang co-stars niya sa show dahil kahit late na pumasok ang character niya sa istorya, naging maganda pa rin daw ang pakikisama nila.
“New working experience ulit kasi mostly sa stars ng
Villa Quintana, hindi ko pa nakakatrabaho sa isang soap,” pahayag ni Joyce.
Kuwento ni Joyce, mula nang makasama siya sa show hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito, mayroon daw tatlong cast members na tumatak sa kanya.
1. Elmo Magalona
Ang character ni Elmo na si Isagani ang dahilan kung bakit sumulpot ang character ni Joyce na si Crystal. Naging love interest kasi ni Crystal si Isagani ngunit hindi naman siya gusto nito dahil si Lynette (Janine Gutierrez) pa rin ang nilalaman ng puso niya.
Ani Joyce, minsan niya nang nakatrabaho si Elmo. “Opo si Mo po kasi nakatrabaho ko lang siya sa
Party Pilipinas dati tapos sa
Tween Academy na ilang shooting days lang naman tapos laging hindi sabay-sabay nagsu-shoot,” aniya.
Dagdag pa niya, hindi niya raw malilimutan si Elmo dahil sa sobrang seryoso ng scenes nila together. “Ngayon ko pa lang siya nakatrabaho nang seryosohan ang acting, seryosong roles,” saad ni Joyce.
2. Maricar de Mesa
Sa lahat ng cast members ng
Villa Quintana, inamin ni Joyce na sa veteran kontrabida na si Maricar siya pinaka natatakot.
Nagsimula raw siyang matakot kay Maricar mula nang ikuwento niya na fan siya ng original na
Sana Ay Ikaw Na Nga. “Natatakot ako sa kanya offcam. (laughs) Lalo na po noong sinabi ko sa kanya na sobrang tumatak siya sa 'kin bilang si Olga, ‘di ba siya 'yung original na Olga,” aniya
Dagdag pa niya, “Lalo siyang parang nag-ti-trip na, O, ano! 'Yung ganoon. Pero hindi ko pa po siya nakaka-eksena eh.”
3. Paolo Contis
Nakasama na ni Joyce si Paolo sa comedy gag show na
Bubble Gang. Pero nang makatrabaho niya na raw ito sa isang teleserye, nanibago raw siya sa galing nito sa acting.
“Noong sinabi na papasok ako, si Kuya Pao talaga 'yung sobrang na-excite akong maka-eksena kasi kasama ko siya sa
Bubble Gang. Sa
Bubble Gang sobrang loko-loko si Kuya Pao,” kuwento niya.
Ani Joyce, napabilib daw siya ni Paolo sa pagiging seryoso niya kahit na sobrang kulit niya offcam. Saad niya, ”Kapag take, parang hindi ako sanay. Parang hindi ako naniniwala. Kasi sobra siyang loko-loko talaga kapag hindi pa take pero kapag sinabing action, parang ay! Nasaan na? Kanina tawa-tawa lang tayo rito.”
Patuloy na subaybayan si Joyce Ching sa huling dalawang linggo ng
Villa Quintana, weekdays after
Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.
- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com