
Inilibing na ang matriarch ng Regal Entertainment na si Mother Lily Monteverde noong Sabado ng umaga, August 10, sa The Heritage Park sa Taguig City.
Pumanaw si Mother Lily sa edad na 84, ilang araw matapos sumakabilang-buhay ang kanyang asawang si Remy noong Hulyo 29. Kinumpirma ang malungkot na balitang ito noong August 4 ng anak ni Mother Lily na si Goldwin Monteverde.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, bago ihatid sa kanyang huling hantungan si Mother Lily ay nagdaos muna ng isang misa sa tahanan ng mga Monteverde.
Sa huli ring pagkakataon ay bumuhos ang pakikiramay at pagmamahal ng mga taga-industriya para kay Mother Lily.
Bago ilibing ang veteran producer, nagdaos muli ng isa pang misa.
BASAHIN ANG ILANG MENSAHE NG CELEBRITIES PARA KAY MOTHER LILY SA GALLERY NA ITO: