GMA Logo Multo na angkas in Brigada
source: Brigada
What's Hot

Motorista, nakapag-angkas ng isang multo?

By Kristian Eric Javier
Published October 27, 2023 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Multo na angkas in Brigada


Multo nga ba ang naangkas ng isang motorcycle rider sa Batangas?

Ilang mga daan ang kilala sa mga kababalaghang pangyayari na nagaganap sa mga motoristang bumabaybay sa mga kalsada nila. Isa na rito ang sikat na Balete Drive kung saan di-umano ay isang white lady ang umaangkas sa mga dumadaang mga motor at sasakyan.

Ngunit ang naranasan ni Ace Anthony Tiglao sa Balay, Batangas ay malayo sa mga kuwento ng Balete Drive dahil ang naiangkas niya diumano ay nagsasalita at sumasagot pa sa kaniya.

Sa episode ng Brigada ay na-interview ni James Agustin si Ace, na siya namang nagkuwento ng kaniyang naranasan.

“Bali naghatid nga po ako ng hipag ko sa Palikpikan dun po sa nasabing lugar. Pagkahatid ko po sa kaniya, pagbalik ko po, may nakita akong matanda na ang lakad po ay parang hirap na hirap po siya, iika-ika po siya,” kuwento ni Ace.

Dagdag pa nito ay nang papalapit na siya ay nilingon siya ng matanda, at nagtanong kung maaari ba itong maki-angkas.

“Siyempre, una mararamdaman ko kasi awa e, ta's sabi sa 'kin, 'totoy, pasabay ako hanggang San Piro lang.' Paulit-ulit niya po sinasabi 'yung San Piro,” sabi niya.

Ayon din kay Ace, hindi niya naramdaman na humawak man lang sa kaniya ang pasahero ngunit naramdaman niyang bumigat umano ang kaniyang motorsiklo.

Sa video na ipinost ni Ace, maririnig na nakikipag-usap ang matanda sa kaniya at sinasabing sa San Piro lang siya ibaba ng binata.

Ilang sandali lang ay napansin niyang humihina na ang boses ng kaniyang sakay hanggang sa unti-unti na itong nawala. At nang itapat niya ang camera sa kaniyang angkas, nalaman ni Ace na wala pala ito.

BALIKAN ANG MGA NAKAKATAKOT NA NILALANG SA FILIPINO HORROR MOVIES DITO:


“Sobra pong nakaka-shock, unnatural po 'yung feeling kasi nakakatakot po talaga. May sumakay sa 'yo pero pagkatingin mo wala naman,” sabi nito.

Aminado rin si Ace na may mga kuwento na ang mga matatanda sa lugar na mayroon daw talagang nakikisabay na matanda, habang ang ibang residente sa paligid ay ikinuwento rin ang batang tumatawid.

Ngunit ayon sa isa sa mga eksperto, maaaring hindi naman ito totoo, at puwedeng inipit lang ni Ace ang kaniyang boses para magboses matanda.

“'Yun ho ay hindi pa ho alam kung talagang tunay ho 'yun at madali ho gumawa ng kuwento e, wala namang nakaharap sa atin na camera,” sabi nito.

Samantala, para naman kay Fr. Nonette Legaspi ay kung totoo nga ang paranormal event na naranasan ni Ace, ang dapat gawin ay maging maingat, lalo na sa mga ganitong pangyayari.

“Of course napakahalaga na meron tayong pagpapahalaga din sa ating understanding of ano bang nangyari sa soul pagkatapos ng - totoo bang nangyayari ito, meron ba talagang mga ghosts, apparitions,” sabi niya.

Ngunit nilinaw naman ni Fr. Nonette na posibleng magparamdam o magpakita ang kaluluwa ng yumao sa mga nabubuhay pa.

Panoorin ang kabuuan ng episode: