Article Inside Page
Showbiz News
Ibinalita ng ‘Startalk’ na patay na si Rustom Padilla. Pero totoo palang wala na si Rustom, dahil in his place now is Bebe Gandanghari.
Noong Sabado, nagulat ang lahat ng ibalita ng number one showbiz authority, ang ‘Startalk,’ na patay na si Rustom Padilla. Pero, naipaliwanag naman ang balitang ito nang lumabas si BeBe Gandanghari, ang bagong Rustom, na talaga namang ibang-iba at babaeng-babae na ang itsura. Text by Loretta G. Ramirez.
After staying in New York for three months, bumalik si Rustom Padilla as Bebe Gandanghari dito sa Pilipinas.
"I am a woman, so call me Bebe (pronounced 'bibi')," ang pahayag ng dating actor ng salubungin siya ng
Startalk sa airport noong Thursdsay, January 15. "This is a character that people are going to watch and I am going to portray, so Bebe is here to stay."

Si Binibining Gandanghari kasi ay isang role na gagampanan si Rustom, pero tila hindi lang ito paghahanda sa kanyang character na gagawin.
"Mga kaibigan, Rustom Padilla is dead, but long live Bebe!" Ito ang introduction ni Butch Francisco ng tawagin niya si Bebe Gandanghari sa stage before ito rumampa at magmodel on national television.
Sa interview, hindi nag-comment si Bebe kung nagpa-sex change siya pero inamin niya na sa New York naganap ang kanyang transformation.
"It was a big preparation kasi I used to be very big before, physically may training. I did a lot of Pilates para lang mag-change 'yung structure ko. May mga training din sa modeling, para matuto 'yung paglalakad and everything. It’s not easy," ang pag-amin ni Bebe.
Nang tanungin naman siya si Lolit Solis about
Carmina Villaroel, ito na lang ang nasagot ni Bebe: "We were not together. Rustom and Carmina were together."
Itinanong naman ni Joey de Leon kay Bebe kung ano ang naging reakyon ng kanyang mga mahal sa buhay nang nakita siya, pero inamin ng aktor na hindi pa siya nakikita ng kanyang pamilya.
Pero nangako ang dating aktor na "Bebe is here to stay."
Ano ang masasabi mo sa transformation ni Rustom Padilla into Bebe Gandanghari? Sound off through the comment box below!
And don't miss
StarTalk every Saturday afternoon after
Eat Bulaga.