What's Hot

'MP featuring Sport Science,' mapapanood na ulit ngayong Linggo!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Magnolia bounces back, beats all-Filipino San Miguel
Farm to Table: (April 12, 2026) LIVE
15 minors escape from rehab facility in Cebu; all rescued

Article Inside Page


Showbiz News



Ihahatid ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Solenn Heussaff ang iba’t ibang kuwento tungkol sa diskarte pagdating sa palakasan sa 'MP featuring Sport Science' na muling magbabalik ngayong August 2.

Ihahatid ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Solenn Heussaff ang iba’t ibang kuwento tungkol sa diskarte pagdating sa palakasan sa MP featuring Sport Science na muling magbabalik ngayong August 2.

Kaya ba ng isang ordinaryong tao ang pinakamahirap at pinakamatinding triathlon sa buong mundo? Susubukan ito ng Sport Science team leader John Brenkus na lumangoy nang 2.4 miles, magbisikleta nang 112 miles at tumakbo nang 26.2 miles. Umabot kaya siya sa finsih line?
 
Anong ball sport ang nangangailangan ng pinakamabilis na reaction time, tennis o baseball? Dalawang champion athletes ang maghahatid ng kasagutan!
 
Abangan din ang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang pagbabahagi ng kanilang fitness training at ng sports na sineseryoso nila - ang triathlon at biking.
 
Sino kaya ang hottest volleyball players ng bansa? 'Yan ang aalamin ni Solenn sa tulong ng sports experts na sina Mozzy Ravena at Sev Sarmienta, pati na rin ang nakakabilib na host at basketbolistang si Chris Tiu.
 
Kilalanin din ang 2015 SEA Games gold medalists sa boxing, athletics at gymnastics! Talaga namang Pinoy pride!
 
Abangan ang lahat ng 'yan sa MP featuring Sport Science, ngayong Linggo ng gabi sa SNBO.