GMA Logo MPK new timeslot
What's on TV

'#MPK,' mapapanood na sa mas pinaagang timeslot!

By Marah Ruiz
Published June 11, 2020 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Billie Eilish’s mom thanks Justin Bieber, wife Hailey for ‘most touching’ Coachella moment
Mga mangingisda sa Palauig na apektado ng mega oil price hikes, tinulungan ng GMAKF | 24 Oras
Drivers who got only P1,500 in fuel subsidy complain to LTFRB-10

Article Inside Page


Showbiz News

MPK new timeslot


Mas maaga nang mapapanood ang real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'

Patuloy pa rin sa paghahatid ng mga tunay na kuwento ng buhay ang real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman sa panibago nitong timeslot simula June 13.

Mas maaga na itong mapapanood, 8:00 p.m. pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento.

Ang unang episode na mapapanood sa mas pinaagang timeslot ay ang "Ang Asawang Naging Kabit."

Tampok dito si Kapuso actress Lovi Poe bilang asawang martir na may kahating dalawa pang babae sa kanyang asawa.

Makakasama niya dito sina Valeen Montenegro, Liezel Lopez at Rafael Rosell.

Huwag palalampasin sa mas pinaagang timeslot ng #MPK ang episode na pinamagatang "Ang Asawang Naging Kabit" sa June 13, 8:00 p.m.