GMA Logo Mr Merman
What's on TV

Mr. Merman: Ano ang aaminin ni Edward?

By EJ Chua
Published November 24, 2021 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rules to know before climbing Mount Pulag
Biyahe ni Drew: Alamin ang mga patakaran sa pag-akyat sa Mt. Pulag
Enhypen's Sunghoon announced as torchbearer for 2026 Milano Cortina Winter Olympics

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Merman


Ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagbabalik ni Edward? Alamin sa 'Mr. Merman.'

Nang dalhin ni Edward si Daisy sa lugar na madalas nilang pinupuntahan noong sila ay bata pa, inalala nila ang kanilang nakaraan bilang magkaibigan.

Isa sa inalala ni Edward ang takot niya sa tubig.

Habang nagkukwentuhan, inamin ni Edward ang tunay na dahilan ng kanyang pagbabalik.

Buong akala ni Daisy ay bumalik si Edward para asikasuhin ang negosyo at sarili nitong buhay ngunit mali pala ito.

Matapang na inamin ni Edward na si Daisy ang dahilan kung bakit siya bumalik matapos ang mahabang panahong paninirahan sa ibang bansa.

Kahit ibang lalaki ang kasama, tila lumilipad ang isip ni Daisy.

Halatang-halata na nalilito at naguguluhan si Daisy sa mga nangyayari.

Sa kabila ng mahabang panahong pagkakaibigan, buo ang loob ni Daisy na wala siyang espesyal na nararamdaman para sa binata.

Anu-ano kaya ang mga plano ni Edward para sa dalaga?

Aabot ba sila sa ligawan stage o mananatili lamang sila bilang magkaibigan?

Para kanino nga ba tumitibok ang puso ni Daisy?

Abangan ang mga kapana-panabik na sa Mr. Merman, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm sa GTV!

Samantala, kilalanin ang Mr. Merman love teams sa gallery na ito: