
Malapit nang mapanood sa GTV ang fantasy romance Thai drama na Mr. Merman.
Iikot ang istorya sa buhay ng mga sireno, scientists at mga mortal na magiging parte ng mundo ng mga naninirahan sa karagatan.
Paano nga ba mapapatunayan ng mga scientist na mayroong nag-e-exist na mer-people?
Isang komplikadong pangyayari rin ang kaabang-abang sa istorya ng Mr. Merman.
Paano kung sa pagsagip ng isang sireno sa isang mortal na babae ay magdadala pala ng pagbabago sa kanilang mga buhay?
Totoo nga ba na kapag hinalikan ng isang merman ang isang mortal ay mag-iiba ang inyo nito?
Ano ang mangyayari kung ang mortal na babaeng nahulog sa dagat ay bigla na lamang mapunta sa mundo ng mga sireno?
Ang Mr. Merman ay pagbibidahan ng mahuhusay na Thai actors na sina Boat Tara Tipa na gaganap bilang si Jake, Kiak Wattikorn Permsubhirun bilang si Leo, Bestvichayut Limratanamongkol bilang si Jason.
Mapapanood din dito ang Thai actresses na sina Reindeer Parisaya Jaronetisat bilang si Aurora, Namnung Suttidachanai bilang si Lara at Namwhan Phulita bilang si Daisy.
Ano nga ba ang magiging kaugnayan ng mga sireno na sina Jake, Leo at Jason sa mortal na babae na si Daisy?
Abangan ang kapana-panabik na mga eksena sa magkaibang mundo nina Jake at Daisy.
Huwag palampasin ang romantic scenes ng mga kakaibang nilalang kasama ang mga mortal sa Thai drama series na Mr. Merman, malapit na sa GTV!
Bisitahin lagi ang www.GTV.ph para sa updates sa inyong paboritong GTV programs.