
Sa pagtatapos ng Thai fantasy drama series na Mr. Merman, mapapanood kung mayroon nga bang happy ending na naghihintay sa human-merman love teams.
Sa pagdaan ng mahabang panahong pagtatago ni Daisy ng kanyang sikreto, nasubukan niya ang pag-aaruga ng merman na si Jake.
Ilang beses man na nalagay sa peligro ang kanyang buhay dahil sa kanyang bagong anyo, nanatili si Jake sa kanyang tabi upang patuloy niyang maprotektahan si Daisy.
Dahil dito, unti-unti nang nahulog ang loob nila sa isa't isa.
May pag-asa kayang matuloy ang kanilang nasimulang pag-iibigan?
Makakalaya pa kaya si Daisy sa sumpa?
Katapusan na nga ba ni Daisy
Ano kaya ang naghihintay na buhay para kina Jake a Daisy?
Happy ending nga ba ang naghihintay para sa kanila?
Samantala, paano kaya ang love story ng nina Leo at Aurora?
Mayroon nga bang kapupuntahan ang kanilang pagtitinginan?
Seryoso at sigurado na kaya ang kanilang mga nararamdaman tulad ng pagiging seryoso nila sa sa kanya-kanyang mga buhay?
Ano naman kaya ang naghihintay na ending sa love story ng chill couple na sina Jason at Lara?
Magaan ba nilang tatanggapin ang jolly at makulit na ugali ng isa't isa?
Huwag palampasin ang mga kasagutan at huling mga tagpo sa hit Thai fantasy drama series!
Abangan kung paano matatapos ang istorya ng magkakaibang anyo na nagmamahalan sa Mr. Merman, mamayang 2:45 p.m. sa GTV!
Panoorin ang Mr. Merman at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Samantala, kilalanin ang Mr. Merman love teams sa gallery na ito: https://www.gmanetwork.com/gtv/drama/mr_merman/14626/in-photos-get-to-know-mr-merman-love-teams/photo/Third-couple/193402