
Sa pagpapatuloy ng istorya ng mga merman at mga mortal sa Thai fantasy drama series na Mr. Merman, iba't ibang pagsubok pa ang kailangan nilang harapin. Ilang life and death situations din ang kailangan nilang mapagtagumpayan.
Tulad na lamang ng pagsagip ni Daisy sa kaibigan niyang si Edward. Habang naglalakbay, biglang nahulog si Edward sa dagat. At kahit delikado, agad namang sinagip ni Daisy si Edward sa muntikang pagkalunod kahit na posibleng malaman nito ang kanilang sikreto.
Habang lumalangoy si Daisy sa dagat papunta kay Edward, nakita siya ng merman na si Jake at labis itong nagtaka sa kanyang nakita.
Bakit hindi naging sirena si Daisy? Bumalik na ba siya sa pagiging isang normal na tao? Ano nga ba ang tunay na kahulugan nito?
Abangan ang mga kapana-panabik na eksena at mga rebelasyon sa Mr. Merman, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 pm sa GTV!
Samantala, kilalanin ang Mr. Merman love teams sa gallery na ito: