
Isa si Elias Point sa up-and-coming actors na dapat abangan sa isa sa pinakamalaking GMA drama series ngayong taon, ang I Left My Heart in Sorsogon.
Sa isang panayam sa GMANetwork.com, inamin ng young actor na marami siyang natutunan sa kanilang naging taping, na itinuturing niyang first major project kasama ang ilan sa pinakamahuhusay na artista sa showbiz.
"This is my first major project working with such a large diverse cast of veterans and kind of 'newer' artists" sabi niya.
Ayon kay Elias, first day pa lang daw ng kanilang lock-in taping ay nakaramdam na siya ng kaba, pero malaki raw ang naging tulong ng crew at kaniyang co-actors upang maging komportable siya sa set.
"My first day I got very pressured and very nervous but I was so grateful because the crew was super nice and supportive. They helped me through with my first project. It was good, it was really good. I'm very lucky to have the Director, the technical crew and the cast, very positive." kwento niya.
Isa raw sa kaniyang mga natutunan sa taping ay ang mas maging familiar sa co-actors na makakasama sa isang proyekto.
"If it's possible, when you go into a project is to be familiar with everyone. Because on my first day we had kind of an intense scene and I was like oh my gosh, I don't know anyone here, I got shy and it really blocked me from doing my best and that was something that I had learned." sabi pa ng young actor.
Pero naging kumportable na raw siya nang makausap at makasama niya na nang matagal ang kaniyang mga kapwa aktor.
"It was difficult in the beginning but after a while when I started to get to know everyone and we started to laugh and make jokes I got a little bit more comfortable." pag-alala niya.
Dagdag pa niya, "Its okay to make mistakes, masyado akong pressured no'n."
Bukod kina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis, dapat ding abangan ang pagsasama-sama ng ilan sa Kapuso new generation of actors na sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Zonia Mejia, at Elias Point sa I Left My Heart in Sorsogon na malapit nang ipalabas sa GMA.
Samantala, silipin naman ang ilang pang mga larawan sa taping ng cast ng I Left My Heart in Sorsogon sa gallery na ito: