GMA Logo Mr Queen
What's Hot

Mr. Queen: Ang gumugulo sa isip ni Kim So Yong

By EJ Chua
Published December 1, 2021 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen


Ano ang dapat pagdesisyonan ni Kim So Yong? Alamin sa 'Mr. Queen.'

Sa pagpapatuloy ng kwento nina Kim So Yong at Haring Cheoljong sa Korean drama series na Mr. Queen, mas nasusubukan ang kanilang pagsasama dahil sa mahahalagang bagay na dapat nilang gawin at pagdesisyunan.

Ngayong magaling na si Haring Cheoljong mula sa mga natamong sugat dahil sa pagsabog, ipinagpatuloy na niya ang pamumuno sa palasyo.

Samantala, ang reyna naman ay naguguluhan na sa mga pinapagawa sa kanya upang kontrahin at sirain ang mga plano ng hari.

Sa mga nagdaang pagsubok, tila nagbago na ang tingin ni Kim So Yong kay Haring Cheoljong.

Kung noon ay madalas silang magtalo sa mga simpleng bagay, ngayon naman ay buong tiwala at mahabang pasensya na ang pinaparamdam nila sa isa't isa.

Ngayong mas malalim na ang kanilang pagtitinginan, naging magkasundo na rin sila sa iba pang bagay.

Dahil naguguluhan na si Kim So Yong sa kanyang pamumuhay, mukhang nalalapit na ang kanyang pagpili at pagdedesisyon.

Ano nga ba ang pipiliin ng reyna, ang maging susi sa masasamang balak ng kanyang angkan o suportahan ang hari sa kung anuman ang pinaplano nito?

Abangan kung ano nga ba ang pipiliin ni Kim So Yong sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: