
Sa natitirang huling tatlong gabi ng Mr. Queen, sisibol na ang paghihiganti at mas matinding kaguluhan sa palasyo.
Dahil sa sinapit ni Kim So Yong at ng kanyang mga kakampi sa kamay ng mga kawal, tila napanghihinaan na ng loob ang reyna.
Buong paniniwala kasi ng reyna ay nag-iisa na lamang siya dahil sa pag-aakalang patay na ang mga tagapag-alaga niya na sina Court Lady Choi at Hong-yeon.
Ang mga tunay na kakampi ng reyna
Habang nasa gitna ng gubat, halos maubos na ang luha ng reyna sa labis na pagluluksa at pagkamuhi sa mga kalaban nito.
Ngunit sa isang iglap, bigla na lang nagbago ang sitwasyon at napawi ang mapait na nararamdaman ng reyna.
Sa gitna ng kanyang pagluha at kawalan ng pag-asa, biglang dumating ang isang lalaking may takip ang mukha.
Ang dahilan ng pag-alis ng reyna sa palasyo ay tila magkakaroon na ng kabuluhan.
Nang makumpirma ng lalaki na ang reyna ang kanyang kaharap, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo.
Mas bumuhos ang luha ni Kim So Yong nang muling makita si Haring Cheoljong.
Sa kanilang muling pagtatagpo, sisimulan na nila ang paghahanda para sa mga plano ng hari.
Anu-ano kaya ang kanilang mga plano?
Sinu-sino ang kanilang makakatulong sa pinaghahandaang paghihiganti at pagbabalik sa palasyo?
Magtatagumpay nga ba ang hari at ang kanyang mga bagong kakampi?
Abangan ang kapana-panabik na mga tagpo sa buhay nina Kim So Yong at Haring Cheoljong sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang cast ng Mr. Queen sa gallery na ito: