GMA Logo Mr Queen
What's Hot

Mr. Queen: Ang nararamdaman ni Haring Cheoljong para sa reyna | Week 6

By EJ Chua
Published November 3, 2021 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen


Umiibig na nga ba ang hari sa reyna?

Sa ikaanim na linggo ng Mr. Queen, unti-unti nang bumabalik ang alaala ni Kim So Yong.

Kahit nasa katawan pa rin ng reyna si Byron, kagulat-gulat ang pagsunod nito sa utos ng kanyang ama tungkol sa pag-aaral.

Napansin ng kanyang tagapag-alaga na si Hong-yeon na naaalala na ng reyna ang ilang bagay tungkol sa dati nitong pamumuhay.

Ang alaala ng reyna

Habang tumatagal ang pagsasama nina Haring Cheoljong at Kim So Yong sa palasyo, mas nagiging magaan na ang loob ng hari sa reyna.

Isang umaga ay nagulat si Kim So Yong nang makatanggap siya ng bulaklak mula kay Cheoljong.

Kung noon ay puno sila ng pagdududa, ngayon ay napapansin na ng mga nasa palasyo na tila nagbago na ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Sa pagbibigay ni Haring Cheoljong ng bulaklak sa reyna, naging usap-usapan na kung ano na nga ba ang namamagitan sa dalawa.

Alam kasi ng karamihan na kahit ikinasal na sila ay marami silang hindi napapagkaintindihan dahil na rin sa magkaibang kultura ang kanilang nakasanayan.

Bulaklak para kay Kim So Yong

Dahil nagkakamabutihan na ang hari at reyna, mas nagiging madalas na ang kanilang paglilibang sa labas ng palasyo.

Habang naglalakbay, isang balon ang kanilang natagpuan na nakapagpahina sa kalooban ni Hari Cheoljong.

Isang mapait na alaala pala ang kanyang sinapit noong siya ay bata pa lamang.

Nang maalala niya ito, unti-unti siyang napaluhod.

Lubos itong ikinagulat ng reyna at nagtaka siya sa nangyari sa hari.

Ang nakaraan ni Haring Cheoljong

Sa pagdaan ng panahon, mas napapalapit sina Haring Cheoljong at Kim So Yong sa isa't isa.

Kasunod nito, mas nagiging mahigpit sa pagbabantay sa kanila ang pinsan ni Kim So Yong na palihim na umiibig sa reyna.

Dahil dito ay mas nagiging matapang na si Haring Cheoljong para ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kim So Yong.

Pag-ibig na nga ba ito?

Abangan pa ang mas nakakakilig na mga eksena sa Mr. Queen mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: