
Sa huling dalawang gabi ng Mr. Queen, isasagawa na ng hari at reyna ang kanilang mga plano.
Kahit nagdadalang-tao si Kim So Yong, buo ang kanyang loob na samahan si Haring Cheoljong sa plano nitong pagsugod sa palasyo.
Matapos ang mahabang panahong pag-eensayo, tila handa na silang lumaban.
Kung noong una ay si Haring Cheoljong lamang at ang magsasaka ang naghahanda para sa pakikipaglaban, ngayon ay mas malakas na ang kanilang grupo.
Ilang magsasaka ang naging kakampi na rin ng hari dahil nakita nila ang mabuting hangarin nito para sa kanyang mga nasasakupan.
Samantala, habang nagsasaya ang ilang mga opisyal sa loob ng palasyo, gugulatin naman sila ng isang kaganapan na magiging dahilan ng kanilang pagbagsak.
Sa muling pagbabalik ng hari, sisibol ang mas matinding kaguluhan.
Magtatagumpay kaya sila sa kanilang pinaghandaang mga plano, estratehiya, at paraan upang makabalik sa palasyo sa mismong araw ng pagluluklok sa bagong hari?
Sinu-sino nga ba ang makakalaban ng hari at reyna?
Sinu-sino ang babawian ng buhay sa gitna ng laban?
Huwag palampasin ang huling dalawang gabi ng Mr. Queen, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang cast ng Mr. Queen sa gallery na ito: