
Sa ikalabing-isang linggo ng Mr. Queen, isang balita ang lubos na nakapagpagulat kay Kim So Yong at nakapagbigay naman ng labis na kasiyahan kay Haring Cheoljong at sa buong palasyo.
Isang araw, habang nakikipag-usap sa hari, bigla na lamang nakaramdaman si Kim So Yong ng pagkahilo.
Nang muntikan ng maglapat ang mga labi ng hari at reyna, naduduwal at hindi na mapakali si Kim So Yong.
Dahil sa labis na pag-aalala, nagpatawag ang hari ng isang manggagamot.
Ang isang magandang balita
Matapos malaman na siya ay nagdadalang-tao, lubos na naguluhan ang reyna sa mga nangyayari sa kanyang katawan at buhay.
Kung ang hari ay lubos ang nararamdamang kasiyahan, ang reyna naman ay tila hindi makapaniwala sa kanyang nalaman.
Labis na nahirapan ang reyna na tanggapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pagbubuntis dahil para sa kanya ay isa pa rin siyang tunay na lalaki na napunta lamang sa katawan ng isang reyna.
Bago pa naihayag ang isang napakagandang balita, nahalata na ng mga tao sa palasyo na tila pinipigilan lang ng reyna ang kanyang nararamdaman para sa hari.
Dahil nananatili ang espiritu ng modern-day chef na si Byron sa katawan ng reyna, labis na naguguluhan ito sa kanyang nararamdaman.
Hindi niya lubos na matukoy kung pusong babae ba ang mas matimbang kaya't labis siyang nalilito sa mga pangyayari at sa kanyang katauhan.
Identity crisis
Abangan pa ang mga kapana-panabik na mangyayari sa buhay nina Haring Cheoljong at Kim So Yong sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: