
Sa ikalawang linggo ng Mr. Queen, nasubukan ang pasensya ng hari at reyna sa isa't isa.
Habang nagsasanay na matutuhan ang ilang mga bagay at tradisyon sa pamamalakad sa kaharian, nagsimula na rin ang pagsasama nina Kim So Yong (Reyna Cheorin) at Haring Cheoljong bilang mag-asawa.
Kahit ikinasal na sila tila hindi pa rin maalis ng dalawa ang pagdududa sa isa't isa lalo na sa mga kakaibang ikinikilos ng reyna.
Isang rule ang hiniling ng reyna tungkol sa kanilang pagsasama ngunit hindi naman ito pinayagan ng hari.
'No touch' policy
Kahit mag-asawa na mayroon pa ring kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang hari at reyna.
Habang naglilibang ang reyna, ang hari naman ay mayroong seryosong bagay na pinagkakaabalahan.
Sa isang mahiwagang gabi, hindi inaasahan ng dalawa na sila ay magkakatagpo sa labas ng palasyo.
Ngunit kahit nagkatagpo na at muntik pang magkasakitan, tila hindi nila nakilala ang isa't isa dahil sa kanilang pagdi-disguise.
Isang mahiwagang gabi
Matapos ang hindi inaasahang pangyayari sa isang mahiwagang gabi, balik lamang sa normal ang kanyang buhay sa loob ng palasyo.
Dahil nasa katawan pa rin ni Kim So Yong (Reyna Cheorin) si Byron, taglay din nito ang cooking skills ng modern-day chef.
Nagulat ang mga tao sa palasyo sa ipinakitang husay at talento ng reyna sa pagluluto.
Cooking skills ng reyna
Habang tumatagal mas nakikilala ng reyna at ng hari ang ugali ng isa't isa.
Ngunit imbes na magkalapit ang loob nila, mas maraming bagay pa silang pinagdududahan.
Isang gabi, mayroong malalim na iniisip si Haring Cheoljong tungkol sa reyna, gayundin si Kim So Yong (Reyna Cheorin) sa hari.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtulog, isang sikreto ng hari ang nabunyag na mismong ang reyna ang naka-diskubre.
Ang pagdududa
Abangan pa ang mga kaganapan sa buhay ni Haring Cheoljong at Kim So Yong (Reyna Cheorin) sa Mr. Queen mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: