GMA Logo Mr Queen
What's Hot

Mr. Queen: Ang pusong nananabik | Week 6

Published November 8, 2021 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen


Napuno ng kilig ang mga naging eksena sa ikaanim na linggo ng 'Mr. Queen.'

Habang mas napapalapit sa isa't isa, tila naguguluhan na si Kim So Yong sa kanyang mga nararamdaman para kay Haring Cheoljong.

Pusong babae parin kasi ang nangingibabaw sa katawan ni Kim So Yong kahit na nasa loob nito si Byron.

Matapos ang isang mainit na gabi, nagulat na lang sina Kim So Yong at Haring Cheoljong nang maalala nila ang kanilang mga ginawa habang magkatabing natutulog sa loob ng kanilang silid.

Mumultuhin ng desisyon

Nang dumalo sa isang piging si Haring Cheoljong, hindi niya inaasahan na mamaliitin siya ng kanyang mga kasama doon.

Dahil kilala ang hari sa pagiging mabait nito, alam ng marami na hindi ito basta lumalaban sa sinuman na umaapi sa kanyang angkan at pagkatao.

Sa kalagitnaan ng pagdiriwang, nagulat na lamang siya nang biglang dumating ang reyna at ipinagtanggol siya sa harap ng mga ito.

Ang tagapagtanggol ng hari

Habang tahimik na namumuhay sa palasyo, isang bangungot ang magiging dahilan ng panghihina ni Haring Cheoljong.

Isang madilim na nakaraan pala ang kanyang naranasan noong siya ay musmos pa lamang.

Nang balikan ng hari ang pangyayaring ito, unti-unti niyang maaalala na mayroong isang batang nagligtas sa kanya noon.

Ang bangungot

Sa pagbabalik ng reyna sa palasyo, mas lumalalim ang pagsasama nila ng hari.

Dahil sa pagnanais na magkasamang muli, isang mahigpit na yakap ang natanggap ng reyna mula kay Haring Cheoljong.

Yakap


Abangan pa ang mga kaganapan sa buhay ni Haring Cheoljong at Kim So Yong (Reyna Cheorin) sa Mr. Queen mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang 'Mr. Queen' cast sa gallery na ito: