GMA Logo Mr Queen
What's Hot

Mr. Queen: Ang sinisigaw ng puso ni Haring Cheoljong

By EJ Chua
Published November 25, 2021 7:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Taekwondo medalists from the Philippines in the 2025 SEA Games
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen


Sino nga ba ang laman ng puso ni Haring Cheoljong? Alamin sa 'Mr. Queen.'

Sa pagpapatuloy ng mahiwaga at nakakakilig na kwento ng Mr. Queen, patuloy ding nasusubukan ang pag-ibig ni Haring Cheoljong kay Kim So Yong.

Kahit pilit na umiiwas ang reyna, tila hindi na magpapapigil ang hari na iparamdam ang pagmamahal niya rito.

Dahil magkasama sa loob ng palasyo, mas madalas nang nakikitang magkasama ang dalawa.

Isang gabi, bigla na lang hindi mapakali si Kim So Yong nang mapagtanto niyang katabi niya pala si Cheoljong sa pagtulog.

Kung ang reyna ay naiilang sa kanilang situwasyon, ang hari naman ay nag e-enjoy sa bawat pagkakataon na kasama niya ang reyna.

Kahit hindi mapakali, hindi na maitago ni Kim So Yong sa kanyang sarili na nahuhulog na rin ang kanyang loob kay Haring Cheoljong.

Dahil sa hindi maitagong pagtingin, nagdesisyon na ang hari na sabihin na ang tunay niyang nararamdaman para sa reyna.

Ngunit bago pa umamin, siniguro ng hari na wala na silang relasyon ni Jo Hwa-jin.

Habang kasama si Kim So Yong, bigla na lang umamin ang hari.

Ilang mabubulaklak na salita ang narinig ng reyna na talaga namang nakakakilig.

Seryosong ipinahayag ng hari na kahit ano pa ang ugali ng reyna at sino pa ang humarang sa kanila ay patuloy niyang mamahalin ang reyna sa abot ng kanyang makakaya.

Matapos nito, tila lumambot ang puso ng reyna.

Mas naging malinaw na nga ba ang lahat para sa kanilang dalawa?

Ano kaya ang mga susunod na gagawin ng hari para sa kanyang minamahal?

Magiging matapang na rin ba si Kim So Yong na aminin ang tunay na nararamdaman para sa hari?

Abangan ang mga sweet moments nina Haring Cheoljong at Kim So Yong sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang cast ng Mr. Queen sa gallery na ito: