GMA Logo Mr Queen
What's Hot

Mr. Queen: Bagong katauhan, bagong mundo| Week 1

By EJ Chua
Published September 30, 2021 9:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Yukien Andrada pens heartfelt message as his San Beda stint ends
January 1, 2026: Balitang Bisdak Livestream
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen


Modern-day chef, naging isang reyna sa Joseon era!

Sa unang linggo ng Mr. Queen, bumaliktad ang mundo ng isang modern-day chef sa Blue House matapos magising sa katawan ng isang babae na nasa panahon ng Joseon.

Natagpuan na lamang ng chef na si Byron ang kanyang sarili sa katawan ni Kim So Yong.

Maraming nagbago sa kanyang buhay mula nang siya ay mapunta sa kanyang bagong katauhan.

Habang pinag-aaralan pa lamang ni Byron ang mga tungkulin at tradisyon sa bagong mundong ginagalawan, isang pangyayari ang lubos na makapagpapabago sa kanyang buhay.

Bukod sa nalipat ang kanyang katawan sa isang babae, nakatakda rin pala itong ikasal sa isang hari.

Matapos ang surprise wedding, isa na siyang ganap na reyna!

Upang hindi paghinalaan ng kanyang mga kasama sa kaharian, pinilit niyang aralin ang ugali at kilos ni Kim So Yong.

Kahit hindi komportable sa kanyang bagong katauhan, sinasanay pa rin niya ang sarili bilang asawa ni Haring Cheoljong at bilang isang reyna.

Sa unang gabi bilang mag-asawa, mas pinag-aaralan nila ang kanilang magiging pagsasama.

Habang patuloy na namumuhay si Byron bilang si Kim So Yong/ Queen Cheorin, makikilala niya ang iba't ibang makapangyarihang angkan sa palasyo.

Mas makikilala rin niya ang mga taong parte ng buhay ni Haring Cheoljong.

Abangan pa ang mga kaganapan sa buhay ng isang misteryosong reyna sa Mr. Queen mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang cast ng Mr. Queen sa gallery na ito: