
Sa ika-12 linggo ng Mr. Queen, sunud-sunod na kaguluhan ang naganap sa palasyo na kailangang harapin ni Kim So Yong.
Mula nang pumutok ang balita na siya ay nagdadalang-tao, tila mas gumulo ang sitwasyon.
Dahil dito, nagdesisyon na ang reyna na makipagtulungan kay Jo Hwa Jin, ang maharlikang esposa na noon ay kaaway niya dahil sa hari.
Upang wasakin ang magulong sistema sa palasyo at masamang binabalak ng ilang opisyal, nagsimula na silang kumilos.
Kanya-kanyang diskarte
Dahil sa mga nangyari, tila mas lumabas ang angking katapangan ni Haring Cheoljong.
Sa kagustuhang maprotektahan ang reyna at ang kanilang anak, buong loob na sumabak sa isang laban si Haring Cheoljong.
Nang magdesisyong umalis sa palasyo para sa isang laban, hindi inaasahan ng hari na si Kim Byeong-in pala ang kanyang makaka-engkwentro.
Sa gitna ng pakikipaglaban, lubos na nanghina ang hari dahil sa natamong mga sugat.
Katapusan na nga ba ni Haring Cheoljong?
Dahil hindi pa rin nakakabalik ang hari sa palasyo, nagdesisyon na ang mga opisyal na magluklok na lamang ng panibagong tagapamuno.
Bago sumapit ang pagluluklok, unti-unti nang sumibol ang kaguluhan sa loob at labas ng palasyo.
Ang pagsibol ng kaguluhan
Kasunod nito, nagpasya ang reyna na tumakas sa palasyo upang hanapin ang hari at siguraduhing buhay pa ito gaya ng kanyang paniniwala sa biglaang pagkawala nito.
Sa pag-alis ni Kim So Yong, malalagay sa peligro ang kanyang buhay.
Sinu-sino ang tunay na kalaban at kakampi ng reyna?
Abangan pa ang mga kapana-panabik na mangyayari sa buhay nina Haring Cheoljong at Kim So Yong sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: