
Mapapanood na mamayang 10:20pm sa GMA Telebabad ang isa sa highest-rated at most-talked about Korean drama series na pinamagatang 'Mr. Queen.'
Humanda na sa mahiwagang mga kaganapan sa buhay ng isang modern-day chef at isang babaeng nakatakdang maging reyna sa Joseon era.
Magsisimula ang kwento sa isang hindi inaasahang pangyayari sa career ng isang chef na magiging dahilan ng big turn-around sa kanyang buhay.
Kung isang araw ay bigla kang mapunta sa ibang panahon at magising sa katawan ng ibang tao, ano ang gagawin mo?
Ito ang nangyari kay Byron (Choi Jin Hyuk) na isang sikat na chef sa Blue House.
Ang Mr. Queen ang isa sa K-drama series na kinababaliwan ngayon sa Korea at buong Asya.
Ito ay pagbibidahan ng mga mahuhusay na Korean stars na sina Kim Jung Hyun bilang Haring Cheoljong, Shin Hye Sun bilang Kim So Yong, Choi Jin Hyuk bilang Byron, Na In Woo bilang Kim Byeong-In at Seol In-Ah bilang Jo Hwa-Jin.
Kakaibang kwento sa isang kaharian at mahiwagang kwento ng pag-ibig ang mga dapat abangan sa Mr. Queen.
Huwag palampasin ang kapana-panabik na kwento ng “Mr.Queen” simula ngayong gabi, September 20, Lunes hanggang Huwebes, 10:20pm sa GMA Telebabad.
Kilalanin ang 'Mr.Queen' actor na si Kim Jung Hyun sa gallery na ito: