
Sa huling gabi ng Mr. Queen, magsisimula na ang panibagong buhay nina Kim So Yong at Haring Cheoljong.
Magsisimula na ring kumilos ang hari para sa panibagong sistema sa palasyo.
Sa kanyang pagbabalik, unti-unti nang mapapalitan at mababago ang mga patakaran na buong tapang niyang ilalatag sa kanyang mga nasasakupan.
Isa-isa ring patatalsikin ni Haring Cheoljong ang mga opisyal sa palasyo na nang-abuso, nanakit, pumatay, at nagpahirap sa ilang mga magsasaka.
Hindi rin nagdalawang isip ang hari na ipatapon ang Inang Reyna sa kanlurang bahagi ng palasyo upang doon na manirahan.
Matapos ang tagumpay na nakamit mula sa isang matinding laban sa loob ng palasyo, sisimulan na ng hari at reyna ang kanilang bagong buhay.
Kaugnay nito, mas babantayan pa nina Haring Cheoljong, Court Lady Choi, at Hong-yeon ang kalusugan ng reyna at ng batang dinadala nito.
Panibagong mga tauhan ang makakasama ng hari sa kanyang muling pagbangon bilang isang tagapamuno.
Samantala, mananatili pa kaya si Byron sa katawan ng reyna? O makakabalik na ito sa kanyang tunay na katawan?
Ano kaya ang buhay na itinadhana para kina Kim So Yong, Haring Cheoljong, at pati na rin sa Blue House chef na si Jang Bong-Hwan (Byron)?
Huwag palampasin ang mga kasagutan sa huling gabi ng Mr. Queen, mamayang 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Mr. Queen actress na si Seol In-ah sa gallery na ito: