GMA Logo Mr Queen
What's Hot

Mr. Queen: Si Kim So Yong nga ba ang pumatay kay Oh Wol?

By EJ Chua
Published November 22, 2021 6:00 PM PHT
Updated November 23, 2021 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen


Si Kim So Yong ay ang pinagbintangan na gumawa ng krimen.

Sa biglaang pagkamatay ng tagasilbi na si Oh Wol, pinaghihinalaan ni Jo Hwa-jin na si Kim So Yong and gumawa.

Kasunod ng matinding selosan sa pagitan ni Jo Hwa-jin, Kim So Yong, at Haring Cheoljong, muli na namang magkakaharap ang magkaribal.

Dahil sa patung-patong na galit ni Jo Hwa-jin, malalim na pagsisiyasat ang kanyang isinasagawa upang mapatunayan niya na mismong ang reyna ang pumatay sa kanyang tagasilbi.

Nais din ni Jo Hwa-jin na siya mismo ang makapagbigay ng hustisya sa pagkamatay ni Oh Wol.

Habang nasa isang gubat, sinugod ni Jo Hwa-jin ang reyna at pinagsalitaan ito ng mabibigat na salita. Sa una ay kalmado lamang ang pakikipag-usap ng reyna sa kanya.

Ngunit nang magsimula nang magbintang si Jo Hwa-jin tungkol sa pagkamatay ng kanyang tagasilbi, uminit na rin ang ulo ng reyna. Lubos na dinepensahan ng reyna ang kanyang sarili at sinabing wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Oh Wol.

Inakala naman ng reyna na tapos na ang kanilang pag-uusap matapos ang matinding bangayan. Ilang minuto pa lang ang nakalipas, pinana ni Jo Hwa-jin ang ulo ng reyna.

May pag-asa pa bang magkasundo ang dalawa?

Sino nga ba ang tunay na pumatay sa tagasilbi na si Oh Wol?

Abangan ang mga kasagutan sa kahina-hinalang mga pangyayari sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito ang Mr. Queen actor na si Kim Jung Hyun.