GMA Logo Mr Queen
What's Hot

Mr. Queen: Suko na ang maharlikang esposa?

By EJ Chua
Published December 7, 2021 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen


Kakampi na rin ba ng hari at reyna ang maharlikang esposa? Alamin sa 'Mr. Queen.'

Sa nalalapit na pagtatapos ng Mr. Queen, unti-unti nang nagbabago ang ihip ng hangin sa pagitan nina Kim So Yong, Haring Cheoljong at ang maharlikang esposa na si Jo Hwa Jin.

Kung noon ay itinuturing nina Kim So Yong at Jo Hwa Jin na kaaway nila ang isa't isa dahil kay Cheoljong, ngayon ay magkakampi na sila.

Dahil labis ang pagkabahala ng maharlikang esposa tungkol sa masamang balak ng mga kalaban ng hari, nagdesisyon siya na ipagsawalang bahala na ang kanyang galit at pagseselos.

Imbes na maging kaanib ng mga nag-aaklas laban sa hari, isa na siya sa mga tumutulong upang mapanatili ang kaayusan sa palasyo.

Nang kausapin ni Jo Hwa Jin si Kim So Yong, nagbigay na siya ng mga paalala rito at hinikayat niya ito na maging handa sa bawat haharaping mga pagsubok at posibleng laban sa mismong angkan nito.

Kabilang nga ba ang maharlikang esposa sa mga desididong tumulong sa hari at reyna para sa paparating na laban?

Tuluyan na bang magiging tahimik at masaya ang pag-iibigan ng hari at reyna sa paglayo ng maharlikang esposa?

Tatalikuran na nga ba niya ang malalim na pagtingin para sa hari?

Abangan pa ang mga kapana-panabik na mangyayari sa buhay nina Jo Hwa Jin, Haring Cheoljong at Kim So Yong sa 'Mr. Queen,' mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: