
Ilang nakakakilig na mga eksena nina Kim So Yong at Haring Cheoljong ang napanood na ng marami sa Korean drama series na Mr. Queen.
Pero wait, there's more!
May magandang balita na labis na magbibigay ng saya sa palasyo.
Nahihilo? Naduduwal? May mga gustong kainin na hindi mapigilan?
Ano itong mga nararamdaman ng reyna? At bakit labis naman ang sayang nararamdaman ng hari?
Nagbunga na nga ba ang mas lumalalim na pagsasama nina Haring Cheoljong at Kim So Yong?
Ihanda na ang inyong mga sarili at sabay-sabay nating hintayin ang pagdating ng isang royal baby!
Abangan ang mga kapana-panabik na eksena sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: