GMA Logo Mr Queen in GMA
What's Hot

'Mr. Queen' viewers at fans, excited na sa pagdating ng royal baby!

By EJ Chua
Published December 3, 2021 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DBM Acting Sec. Rolando Toledo appears before the ICI (Dec. 15, 2025) | GMA Integrated News
8 dead after multicab falls into ravine in Ayungon, NegOr
LRT-1 opens full operations in 25 stations

Article Inside Page


Showbiz News

Mr Queen in GMA


Ilang manonood at tagahanga ng 'Mr. Queen,' nakaabang na sa nalalapit na pagdating ng isang royal baby.

Isang balita ang labis na nakapagpagulat kina Kim So Yong, Haring Cheoljong, mga tao sa palasyo at pati na rin sa mga manonood ng Mr. Queen.

Dahil sa hindi napigilang mga sitwasyon sa kanyang bagong katauhan, unti-unti nang natatanggap ni Byron ang kanyang kapalaran.

Ano na nga ba ang nangyayari kay Byron na nasa katawan pa rin ni Kim So Yong?

Ano itong paparating na labis na makapagpapabago sa kanyang buhay bilang isang reyna?

Confirmed! The queen is pregnant!

Dahil sa napakagandang balita, ilang manonood at fans ng Mr. Queen ang excited na sa pagdating ng royal baby nina Haring Cheoljong at Kim So Yong.

Narito ang ilang comments:

Sabi ni Delos Angeles Maria Lourdes, “Royal baby is on the way!!”

“Ready na kaming sabihin na ina at ama! Bagay sa inyong dalawa. We love you mahal na reyna at mahal na hari,” dagdag pa niya.

“Shocked si reyna but I love how the king react cry talaga siya. Tears of joy,” ayon kay Eulogia Alaras.

Si Nausca Gamayon naman, tila hindi na makapaghintay sa pagdating ng royal baby, “I can't wait [heart emoji].”

Narito pa ang ibang comments mula sa viewers at fans nina Kim So Yong at Haring Cheoljong:

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa buhay ng soon-to-be royal parents na sina Kim So Yong at Haring Cheoljong sa Mr. Queen, mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Kilalanin ang Mr. Queen cast sa gallery na ito: