GMA Logo It s Showtime title card
What's on TV

MTRCB, ibinasura ang motion for reconsideration ng 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published September 29, 2023 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

It s Showtime title card


Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN matapos i-deny ng MTRCB ang inihaing motion for reconsideration para sa 12-day suspension ng 'It's Showtime.'

Hindi inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang inihaing motion for reconsideration ng media giants na GMA Network at ABS-CBN Corporation.

Related content: 'It's Showtime' at GTV, pumirma ng kasunduan

Ayon sa “Chika Minute” report ng 24 Oras, ito ay kaugnay sa ipinataw na 12-day airing suspension ng MTRCB sa noontime program na It's Showtime matapos ang mga reklamong natanggap umano ng ahensya sa anila'y indecent, o malaswang ikinilos ng hosts ng naturang show sa “Isip Bata” segment.

Naglabas ng pahayag ang Kapamilya Network, kung saan sinabi nilang natanggap nila ang desisyon ng MTRCB at kasalukuyang inaalam ang mga posibleng option.

“We have received the decision of the Movie and Television Review and Classification Board on our Motion for Reconsideration regarding “It's Showtime” and are currently exploring all our remedies and options,” bahagi na inilabas sa pahayag.

Sa ngayon, makakaasa raw ang viewers na patuloy nilang mapapanood ang It's Showtime dahil hindi pa pinal at executory ang suspensyon.

“In the meantime, since the imposed suspension is not yet final and executory, we would like to reassure our audiences that “It's Showtime” will continue to be seen on Kapamilya channel, A2Z, and GTV. It is also available on Kapamilya Online Live, iWANTFC, and TFC,” basa pa sa statement ng ABS-CBN.

Narito ang buong pahayag ng ABS-CBN tungkol sa desisyon ng MTRCB sa It's Showtime.

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang Kapuso network tungkol sa desisyon ng MTRCB sa It's Showtime.

Panoorin ang buong 24 Oras report sa video sa ibaba.