Article Inside Page
Showbiz News
Halos dalawang taon rin pinasarap ni Chef Boy ang ating mga umaga nang gawin niyang easy at affordable ang dishes na pwedeng ihanda para sa ating mga pamilya’t mga mahal sa buhay. Ngayong Mayo, maliban sa kanyang kahanga-hangang skills sa kusina, makikita natin ang iba pa niyang mga talento.

Araw-araw natin napapanood si Chef Boy Logro sa
Kusina Master kung saan tinuturuan niya ang guest celebrities at mga viewers kung paano magluto ng mga nakakatakam na dishes.
Halos dalawang taon rin pinasarap ni Chef Boy ang ating mga umaga nang gawin niyang easy at affordable ang dishes na pwedeng ihanda para sa ating mga pamilya’t mga mahal sa buhay.
Ngayong Mayo, maliban sa kanyang kahanga-hangang skills sa kusina, makikita natin ang iba pa niyang mga talento.
“Naku, masaya ito. Sasayaw ako rito, kakanta, tutula. Basta, laging masaya,” kwento ni Chef Boy.
Ang kanyang tinutukoy ay ang bagong show kung saan isa siya sa apat na maghahatid ng kakaibang kasiyahan sa buong Pilipinas.
Simula May 12, mapapanood na ang
Basta Everyday Happy, ang morning show na magpapasigla sa buong araw ng mga Pinoy.
Dito, hindi lang sa kusina mapapanood si Chef Boy ngunit mas marami pa siyang mapapasaya dahil kakatok siya sa bahay ng mga Kapuso.
“[Dito sa show na ‘to] hindi ako magluluto madalas. Lalapit ako sa mga bahay na [may] nagluluto. Kumbaga, lalapit ako sa masa,” sabi niya.
Kakaibang good vibes ang hatid [namin dito]," ayon kay Chef Boy.
“Ito na ang sagot [sa] inyong mga problema. Manood ng
Basta Everyday Happy, dahil tiyak na tiyak, masisiyahan kayo,” aniya.
Alamin ang iba’t ibang pakulo ng ating paboritong chef simula susunod na Linggo, bago mag-
The Ryzza Mae Show.
-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com