GMA Logo Isabel Rivas and Mylene Dizon in Bilangin ang Bituin sa Langit
What's on TV

Muling pagbangon ni Nolie | Week 9

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 15, 2021 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Isabel Rivas and Mylene Dizon in Bilangin ang Bituin sa Langit


Sa pagkamatay ni Editha Sinclaire (Divina Valencia), ipinamana niya ang lahat ng mayroon siya kay Cedes (Nora Aunor), na siyang nag-alaga sa kanya.

Sa ika-9 na linggo ng Bilangin ang Bituin sa Langit, hindi na alam ni Nolie (Mylene Dizon) kung saan siya kukuha ng pera upang tutustusan ang kanyang anak na si Maggie (Kyline Alcantara) at inang si Cedes (Nora Aunor).

Pakiramdam ni Nolie ay wala siyang magawa matapos siya apihin nina Margaux (Ina Feleo) at Martina (Isabel Rivas).

Nagulat naman si Nolie nang bigla siyang tawagan ng mga abogado nang namatay na si Editha Sinclaire (Divina Valencia). Sinabi ng mga abogado ni Editha na ang kanyang inang si Cedes ang magmamana ng ari-arian nito.

Bukod sa ari-arian, may iniwan ring video si Editha para kay Cedes kung saan humihingi siya ng tawad sa mga kasalanang nagawa niya dito. Samantala, hindi pa rin maayos ang relasyon nina Maggie at Jun (Yasser Marta) dahil sa mga nangyari.

Nagulat naman si Martina na si Nolie na ang may-ari ng property na gusto niya sanang bilhin kay Editha noon. Pinayuhan ni Cedes si Nolie na 'wag nang ituloy ang kanyang mga balak sa mga Santos pero hindi siya nakinig sa kanyang ina.

Ngayong may pera na ulit si Nolie, tuloy-tuloy na ang kanyang paghihiganti sa mga Santos. Ano kaya ang gagawin ni Nolie para sa pamilya na minsan ay tinapaktapakan siya?

Panoorin ang all-new episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.