
Muling ipapakita ng award-winning Thai actor na si Off Jumpol Adulkittiporn ang kanyang husay at galing sa newest offering ng GMA Heart of Asia ngayong February, ang Astrophile, kasama ang fellow Thai stars na sina Mai Davika Hoorne at Bright Vachirawit Chivaaree.
Dahil sa kanyang versatility at natural charisma, nakilala na si Off ng mga Kapuso viewers matapos ang kanyang mga excellent performance sa roles sa Ugly Duckling, U-Prince, Girl Next Room, Flames of Vengeance, at ang comedy-hit na 46 Days.
Ngayong Pebrero, bibida si Off bilang si Toby, ang tapat na kaibigan ni Natalie (Mai Davika Hoorne) at ang producer ng show kung saan ito nagho-host. Sa likod ng kanilang professional connection, unti-unting mahuhulog ang loob ni Toby kay Natalie sa isang palihim na paraan. Handa siyang ipagtanggol at ibigay ang lahat, masiguro lamang ang kaligtasan at kasiyahan ng babaeng kanyang minamahal.
Abangan si Off Jumpol Adulkittiporn bilang Toby sa pinakabagong Thai romantic-drama series sa GMA Heart of Asia, ang Astrophile, magsisimula na ngayong February 2, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA!
RELATED CONTENT: Get to know Thai actor Off Jumpol Adulkittiporn