
Tila naging reunion ng Munting Heredera cast ang recent episode ng Wish Ko Lang nitong Sabado.
Tampok sa episode sina Angelika dela Cruz, Neil Ryan Sese, Barbara Miguel, Miggs Cuaderno, at Angela Alarcon.
Naging reunion ng Munting Heredera stars ang episode na ito dahil nagsama muli sina Neil, Barbara, at Miggs.
Nakagigimbal ang naging episode ng Wish Ko Lang nitong Sabado ng hapon dahil nilapa ng isang buwaya ang isa sa mga karakter.
Tungkol po siya sa dalawang magkapatid mula sa isang pamilya sa Palawan.
Kuwento ni Barbara sa 24 Oras, "Gusto po sana naming bigyan ng gift 'yung nanay namin dun sa storya. Dahil inabot na po kami ng gabi sa laot, nakagat po 'yung isa sa amin ng buwaya."
"Mahirap po siya kasi kailangan pong mag-take kami ng POV ng buwaya at medyo paulit ulit pero kinayanan namin," dagdag ni Miggs.
Ayon naman kay Neil Ryan Sese, "Nung nasa taping kami hindi ko ma-imagine kung sa akin nangyari 'yung ganung sitwasyon. Mapagmahal 'yung bata, mabait siya sa mga magulang niya.
Dagdag ni Neil, " Pagkasalubong ko pa lang sa dalawa nung pagbaba nila ng kotse, sabi ko, 'Ang lakas makatanda,' nung huli ko kasi silang nakasama ang liliit pa nila."
MGA MAGULANG NG BINATILYONG NILAPA NG BUWAYA, TINULUNGAN NG Wish Ko Lang! Sa kabila ng trahedya na sinapit ni Lucas,...
Posted by Wish Ko Lang on Saturday, October 3, 2020