GMA Logo muph batangas kath casenas
Photo source: @muphbatangas, @kathcasenas
What's Hot

MUPH Batangas, naglabas ng statement tungkol kay Kath Caseñas

By Ron Lim
Published April 6, 2026 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Here's what to do when a jellyfish attacks you
El Nido is part of BBC's best beach destinations
Easter travel surge fills Dagupan bus terminals

Article Inside Page


Showbiz News

muph batangas kath casenas


Ayon sa MUPH Batangas, tinanggal ang titulo ng Miss Universe Philippines-Batangas mula kay Kath Caseñas dahil sa "accumulated violations and unresolved concerns."

Isa na namang malaking pagbabago ang nangyari sa mga kandidata sa Miss Universe Philippines pageants, isang buwan bago ang coronation night ng pageant.

Naglabas ng statement sa social media ang Miss Universe Philippines (MUPH) Batangas, na nagpapaliwanag kung bakit si Kath Caseñas ay pinakilala bilang representative ng Bohol sa preliminary gown competition video na inilabas ng Miss Universe Philippines organization nitong Easter Sunday, imbes na Miss Universe Philippines Batangas.

Ayon sa statement, na pirmado ng MUPH Batangas national director Myke Lorence Llamado, marami na umanong concerns tungkol kay Kath na pwedeng maging sanhi ng kanyang dethronement bago pa man magsimula ang Miss Universe Philippines pageant. Gayunman, binigyan siya ng “one final opportunity” para i-representa ang probinsya, ngunit merong mga “clear agreements and expectations”.

Ayon sa MUPH Batangas, naging mahirap ang komunikasyon sa pagitan nito at ni Kath simula noong March 16, na nakaapekto sa official engagements at preparations na inorganisa at suportado ng organisasyon.

Ayon sa statement, hindi nakipag-ugnayan si Kath sa kanila kahit na maraming oportunidad upang gawin ito at ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawang kampo.

Ayon kay Llamado, napagdesisyunang i-disqualify si Kath bilang Miss Universe Philippines Batangas “based on accumulated violations and unresolved concerns.” Sinabi din niya na ang lahat nang nangyari ay “properly documented” at maaaring i-presenta sa “appropriate channels”.

Tinapos ni Llamado ang statement sa pagsabi na alam ni Kath na hindi siya pinabayaan sa kompetisyon at binigyan ng “opportunities, patience, consideration, unwavering support, and understanding”.

Basahin ang kabuuan ng statement dito:

A post shared by Miss Universe Philippines - Batangas (@muphbatangas)

Related gallery: Check out the controversial events in this year's pageant scene

Isa lamang ito sa pagbabagong naganap sa 2026 Miss Universe Philippines.

Noong Marso, inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization ang pagkakatanggal ng isa sa mga kandidata mula sa kompetisyon. Ayon sa statement, ito ay dahil sa “continued behaviors” ng kandidata, na unang nabigyan na ng verbal and written guidance para maayos sana ang sitwasyon.

Idiniin ng organisasyon na pinananatili nila ang isang “environment that is uplifting, respectful, and empowering to women.” Ayon sa statement, dedicated sila na gawing “constructive and meaningful” ang pageant para sa lahat ng kasali dito.

Di kalaunan ay na-reveal na si Imelda Schweighart ang natanggal mula sa kompetisyon.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Kasalukuyang nagaganap ang Miss Universe Philippines pageant, kung saan ang 50 kandidata ay parte ng iba't ibang aktibidad bago ang coronation night sa Mayo. Nitong nakaraang buwan, naging parte ng Miss Universe Philippines swimsuit show sa Aqua Boracay Bulabog Beach ang mga kandidata.

Kamakailan lang ay ipinakita na rin ang evening gowns ng mga kandidata. Ilan sa mga popular na designer na suot ng mga kandidata ay sila Louis Pangilinan, Mark Bumgarner, at Ehrran Montoya.

Related gallery: The 2026 Miss Universe PH queens are elegant in their evening gowns

Ang Kapuso artist na si Roxie Smith () ay kasali rin sa Miss Universe Philippines pageant ngayong taon. Kinoronahan siya at sinuotan ng sash sa The Proscenium sa Rockwell, Makati.