GMA Logo AZ Martinez, Ralph De Leon, Naiilang music video
Source: lejohnofficial (IG)
What's Hot

Music video nina AZ Martinez at Ralph De Leon, inaabangan online

By Kristian Eric Javier
Published September 6, 2025 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, Ralph De Leon, Naiilang music video


Hindi na makapaghintay ang fans nina AZ Martinez at Ralph de Leon para sa premiere ng kanilang official music video ng 'Naiilang.'

Hindi maitago ng fans ng former Pinoy Big Brother Celebrity Collab housemates na sina AZ Martinez at Ralph De Leon ang kanilang excitement sa paglabas ng unang music video na pagbibidahan nila. Nag-trend kasi sa X (dating Twitter) ang pangalan nilang dalawa, kabilang na nag titulo ng awitin ni Le John na “Naiilang.”

September 3 sa 24 Oras unang ibinalita na bibida ang dalawang aktor sa isang music video para sa kantang “Naiilang,” ang parehong kanta na ginamit ng fans para i-edit ang ilang videos nilang dalawa.

Ayon sa report ni Aubrey Carampel, nadiskubre lang nina AZ at Ralph ang kanta at ang video edits ng fans noong lumabas sila mula sa Bahay ni Kuya.

“Medyo nabulabog ako sa mga edits namin ni AZ. Most of them, ito 'yung themesong na ginamit,” pagbabahagi ni Ralph.

Kwento pa ni AZ, tinatawag ng fans ang kanilang edits bilang AZRalph coded kung saan naging themesong nila ang naturang kanta.

Ngayon Sabado, September 6, lalabas na rin ang music video kaya naman trending ang “AZRALPH NAIILANG OUT NOW” sa X na umabot na sa 200,000 posts.

Marami na rin ang nakaabang sa official YouTube channel ni Le John kung saan magpe-premiere ang naturang music video. Sa comments section, marami ang nagpahayag na rin ng kanilang excitement sa nalalapit na premiere ng naturang official music video.

May ilang fans din na nagpasalamat kay Le John dahil tinupad umano nito ang hiling ng fans na mapanood sa isang official music video ang AZRalph na loveteam na nakikita lang nila noon sa mga TikTok edits.

Unang nilabas ni Le John ang kantang “Naiilang” noong April at simula noon ay pumatok na ito sa mga tigapakinig. Samantala, ang tambalan naman nina AZ at Ralph ang isa sa mga pinakasikat na loveteams o ships na nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya.

KILALANIN ANG KAPUSO STARS NA BUMIDA SA ILANG MUSIC VIDEOS SA GALLERY NA ITO: