GMA Logo Rainbow Prince
What's Hot

Musical inspired BL series 'Rainbow Prince,' mapapanood sa Heart of Asia Channel

By Aimee Anoc
Published November 17, 2022 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Rainbow Prince


Samahan si Prince Zeyn sa kanyang exciting na paglalakbay patungo sa mundo ng simple at masiyahing tourist guide na si Mikey Valencia.

Inihahandog ng Oxin Films at Heart of Asia Channel ang pinakabago nitong Boys' Love musical series, ang Rainbow Prince.

Pagbibidahan ito nina Adrian Dionisio bilang Prince Zeyn/Art, ang itinakdang prinsipe ng Zurbania, at Eurwin Canzana bilang Mikey Valencia, ang simple at masiyahing tourist guide mula sa Pilipinas.

Makakasama rin nina Adrian at Eurwin sa Boys' Love musical na ito sina Mel Martinez (Angel), Katarina Rumanova (Elena/Rose), Will Devaughn (Mr. Wang), Dovee Park (Madam V), Yani De Dios (Prince Malik), Valerie Bariou (Queen Zara); Apollo Abraham (Zafar); Leilani Kate Yalung (Livy); Ken Carpena (Ken); at Niko Librojo (Kevin).

Magsisimula ang kwento ng Rainbow Prince sa pagtakas ni Prince Zeyn mula sa nangyaring pag-atake sa kanilang palasyo sa Zurbania patungong Pilipinas, kung saan nagmula ang pinagkakatiwalaan niyang tauhang si Angel, isang Filipino OFW. Dito, makikilala niya si Mikey, isang tourist guide, na agad na napamahal sa kanya.

Sa natagpuang pag-ibig sa Pilipinas, paano kaya haharapin ni Prince Zeyn ang naiwang responsibilidad bilang susunod na hari ng Zurbania?

Abangan ang Rainbow Prince, soon sa Heart of Asia Channel.