GMA Logo Musikayumanggi Family Feud
What's on TV

Musikayumanggi, wagi ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published November 3, 2022 8:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Musikayumanggi Family Feud


Congratulations, team Musikayumanggi!

Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang team Musikayumanggi sa kanilang paglalaro sa trending game show ng GMA na Family Feud ngayong, Huwebes, November 03, 2022.

Ang Musikayumanggi ay binubuo ng sikat na OPM female singers na sina Bayang Barrios, Skarlet, Lynn Sherman, at Kat Agarrado.

Bago sumabak sa hulaan, nagbigay muna ng pagkilala ang game master na si Dingdong Dantes sa singer na si Bayang dahil sa malaking ambag nito sa iconic Pinoy fantaseries ng GMA noong 2005 na Encantadia kung saan gumanap siya bilang si Ybarro.

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Bayang ang umawit ng OST ng naturang serye na may pamagat din na "Encantadia."

Samantala, sa nasabing episode, nakalaban naman ng Musikayumanggi ang kapwa OPM icons na team Forever Young na sina Gino Padilla, Nonoy Zuniga, Marco Sison, Bimbo Cerrudo.

Leading ang team nina Bayang sa unang round ng game sa score na 28 points habang sa second round, muntik nang makabawi ang team Forever Young ngunit bigo silang mahulaan ang sagot sa huling survey question na masuwerte namang nasagot ng Musikayumanggi.

Sa third round, muling na-steal ng team ni Bayang ang game sa score na 211 points habang zero pa rin ang score ng kanilang kalabang team.

Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, nakuha pa rin ng team Musikayumanggi ang game sa final score na 502 points.

Dahil dito, sila ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama sina Kat at Skarlet. Sa round na ito, nakabuo ang dalawa ng 204 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Angat Pinas Inc. bilang napiling charity ng team Musikayumanggi. Habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang team Forever Young.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILANG OPM HITMAKERS NA WALANG APELYIDO SA GALLERY NA ITO.