GMA Logo Super Inday and the Golden Bibe
What's on TV

'Must Be... Love' starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published December 17, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Super Inday and the Golden Bibe


Kabilang ang 'Must Be... Love' starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Hatid ng digital channel na I Heart Movies ang isang coming of age film mula sa isa sa mga pinakamamahal na Pinoy love teams ng kasalukuyang henerasyon.

Balikan ang tamis ng unang pag-ibig sa Must Be... Love, starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Si Kathryn ay si Patchot, habang si Daniel naman ang kababata niyang si Ivan. Best friends ang dalawa pero sa kanilang pagtanda, higit pa sa friendship ang inexpect ni Patchot kay Ivan.

Pero tila mas interesado si Ivan sa pinsan ni Patchot na si Angel, played by Liza Soberano. Paano naman si Patchot?

Abangan 'yan sa Must Be... Love, December 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag rin palampasin si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa Super Inday and the Golden Bibe, isa sa mga pelikulang mapapanood sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.



Ang 2010 fantasy-adventure ay remake ng original 1988 movie na may parehong pamagat at pinagbidahan ni Diamond Star Maricel Soriano.

Isa rin ito sa official entries sa 36th Metro Manila Film Festival kung saan nanalo ito ng Best Sound Engineering at nakatanggap ng mga nominasyon para sa Best Make-up Artist at Best Actress para kay Marian.

Gumaganap si Marian dito bilang Inday, isang babaeng makakatanggap ng golden eggs ni Goldy, isang fallen angel na nag-anyong bibe.

Gamit ang kapangyarihan ng mga ginintuang itlog, magta-transform siya bilang superhero na si Super Inday.

Huwag palampasin ang Super Inday and the Golden Bibe sa December 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.