What's Hot

MUST-READ: Aljur Abrenica, ano ang gagawin kapag nahulog sa girlfriend ng kanyang kapatid?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 5:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Nakaka-relate umano ang Kapuso star na si Aljur Abrenica sa kanyang mga karakter bilang sina Edgar at Aldrin ng 'Once Again.'


Nakaka-relate umano ang Kapuso star na si Aljur Abrenica sa kanyang mga karakter bilang sina Edgar at Aldrin ng Once Again kung pag-ibig ang pag-uusapan. 

 

Riding free in #hk

A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on


Handa siyang magsakripisyo kung sakaling pamilya ang masasagasaan nito, lalong-lalo na kapag nalagay siya sa posisyon ni Aldrin na nahulog kay Des na girlfriend ng kanyang kapatid na si JV.
 
Hindi pa ito nangyayari sa aktor ngunit kung malagay raw siya sa kasamaang palad, magpapaubaya raw siya sa kanyang kapatid katulad ng ginawa ng kanyang karakter sa serye.
 
“[Kung] mas mahal ng kapatid ko, ipauubaya ko. ‘Yun ang ugali ko [at] parehas kami ni Aldrin,” pagpatunay ni Aljur.
 
Mas inaalala niya pa ang kapakanan ng kanyang mga nakakabatang kapatid, “Ganun naman talaga [sa] pamilya, hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng mga kuya.” 

 

Bored...

A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on


Ito raw ay dahil sa ating kinalakihang tradisyon, “Ganun naman tayong mga Pilipino, bago magdesisyon, ang iniisip natin ‘yung makakabuti sa mga kapatid natin, [kung] pabor ba sila. By the end of the decision, ‘yung iniisip mo, kahit hindi pabor, ‘yung mas makakabuti sa pangkalahatan, lalong-lalo na sa kanila.”
 
Subalit, kung kapalaran na raw ang pumipilit na ipagtagpo sila, hahayaan niya na lang daw ito para lumago sa isang proseso.
 
MORE ON ALJUR ABRENICA:
 
Aljur Abrenica stresses importance of family in his career

EXCLUSIVE: Aljur Abrenica, bakit dalawang taon nang single?