
Noong nakaraang linggo, kasabay ng selebrasyon sa pagkakaroon ng one million likes ng official Facebook page ng Encantadia ay isang isyu ang kumalat patungkol sa iconic GMA telefantasya.
Isa umanong pulang monobloc chair ang nakasama sa eksena ng Encantadia na ipinalabas noong March 1. Isang meme ang inilabas ng isang Facebook page na Meanwhile in the Philippines sa social media tungkol sa isyu.
Hindi mukhang rushed ang #Encantadia2016
Posted by Meanwhile in the Philippines on Wednesday, March 1, 2017
"Hindi mukhang rushed ang #Encantadia2016," saad sa caption ng Facebook post.
Nang makita ng mga nakapanood ng nasabing Encantadia episode ang meme, agad nilang ipinagtanggol ang Kapuso show dahil wala raw silang nakitang monobloc chair nang ipalabas ang eksena sa telebisyon.
"Ngek? Wala naman pinakitang mono block kagabi e, lol inggit na naman kayo sa Encantadia..manira lang! Basta, Encantadiks kami. Wala kami pake sa mga naninira. God bless," ani Ely Tabaco sa kanyang comment.
"Halata namang Hoax ang post na 'to.. Kung tunay yan na captured sa episode ng Encantadia sa TV e di dapat may PG (Parental Guidance) na nakalagay sa lower right corner," saad naman ni Lee Cruz.
Sa nasabing post din na ito nag-comment ang concept creator at head writer ng Encantadia na si Suzette Doctolero.
Ayon kay Suzette, hindi raw talaga umere sa telebisyon ang eksenang nasa meme. "'Di yan ipinalabas. Check mo sa episodes at wala 'yan," saad niya.
Samantala, naglabas na ng official statement ang verified Encantadia 2016 Facebook page.
Avisala! This is to clarify that the photo used on the meme below is a raw material. The chair was on standby for the...
Posted by Encantadia 2016 on Friday, March 3, 2017
"Avisala! This is to clarify that the photo used on the meme below is a raw material. The chair was on standby for the artists to use whenever they are waiting for their scenes or blocking. This photo was not part of the actual episode that aired on television last March 1, 2017. You may check it on Iflix to verify. Avisala eshma," paliwanag ng official page ng GMA Telebabad soap.
Narito ang screenshots ng aktwal na eksena na ipinalabas sa telebisyon (left) at ang raw material na nakitaan ng monobloc chair (right).
Panoorin ang eksenang nakitaan daw umano ng monobloc chair.
Patuloy na subaybayan ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'ENCANTADIA':
?LOOK: Andy Smith bilang adult Anthony sa 'Encantadia'?
#AzPiren: Bagong love team sa 'Encantadia?'
WATCH: What you've missed from Encantadia's episode on March 3