
Talagang full of love ang Kapuso Month!
Narito ang mga bagong palabas na mapapanood ninyo ngayong buwan ng Pebrero mula sa GMA Network.
Mapapanood ang tambalan nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa romantic comedy series na tungkol sa pag-ibig at pera, Owe My Love, simula February 15 sa GMA Telebabad.
Abangan naman si Kapuso actress Pauline Mendoza sa kanyang first starring role sa Babawiin Ko ang Lahat, February 22 na sa GMA Afternoon Prime
Narito na rin ang sequel ng top rating South Korean medical drama na The Romantic Doctor 2, February 8 mag-uumpisa sa GMA Telebabad.
Nagbabalik din ang original Kapuso singing competition for kids na Centerstage, February 7 sa Sunday Grande sa Gabi.
Sumama sa paghula sa pagitan ng mga professional performers at mga nagpapanggap lang sa Catch Me Out Philippines, February 6 sa Sabado Star Power sa Gabi.
Welcome ang lahat ng edad sa newest game show for all generations na Game of the Gens, February 14 sa GMA News TV.
Sumama rin sa bagong cooking adventure sa Farm to Table, February 21 sa GMA News TV.
Alamin naman ang kuwento sa likod ng mga viral videos kasama ang On Record, February 16 sa Powerblock.
Nagsimula na rin noong February 1 ang Balitang Bicolandia, ang pinakabagong flagship newscast ng GMA Regional TV sa Bicol region. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 5:00 pm.
Maaari na ring manood ng telebisyon, anytime at anywhere sa pamamagitan ng GMA Now, ang mobile digital TV receiver mula sa GMA.
Patuloy na mag-log on sa GMANetwork.com para sa karagdagang impormasyon sa mga bago at exciting new shows na ito.