
#Blessed si Kapuso star Camille Prats mula sa kanyang engrandeng kasal, kumpletong pamilya at ngayon ang kanyang bagong baby.
Kasalukuyang limang buwan na ang ipinagbubuntis niyang baby girl, “[I’m] super happy. It’s actually my secret prayer to have a baby girl pero siyempre ‘yung pinaka-prayer ko is to have a healthy and a normal baby so bonus na lang talaga na babae siya.”
Naghihintay na rin ang kanyang anak na lalaki na si Nathan sa magiging kapatid nito, “[It’s] good po [kasi] I [would] like [to have] a little sister. Excited po ako para may kalaro na po ako kasi ayaw ko pong ako lang [mag-isa].”
Kinamusta ni GMA entertainment reporter Lhar Santiago ang pagbubuntis ng 31-year-old working mom. Inamin ng Mars host na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis.
“The first three months, I really had a hard time kasi sobrang suka tapos sobrang nahihilo, [and] I barely couldn get out of bed. I had to work, I had to do Mars kasi parang feeling ko ayaw ko namang to be stuck at home noong phase na iyon. I was really having a bad acid attack so ilang beses din ako na-ospital,” kwento niya sa GMA reporter.
Nag-improve naman ang kanyang pakiramdam noong nasa second trimester na siya ng kanyang pagbubuntis, “When I hit around four months onwards, I was starting having my energy back tapos ngayon I feel so much better. I feel like my normal self, parang ako lang plus may konting bigat pero mas kaya na. Nakaka-swim na ako [at] workout little by little.”
Kapansin-pansin na napanatili ng magandang aktres ang kanyang timbang at payat na pangangatawan, “I don’t have a lot of food cravings, hindi po ako naglihi sa pagkain. Mas marami akong ayaw kaysa sa gusto which I think is good kasi mas nako-control ko po ‘yung weight ko kasi hindi ako masyadong magana.”
Patuloy pa ring napapanood si Mrs. Yambao sa high-rating female talk show na Mars sa GMA News TV.