
“Wala sa kulay ng balat 'yung halaga mo bilang tao; nasa pakikisama mo at kung paano mo ibinabahagi 'yung talents mo na mahalaga." - Bianca Gonzalez
Pinag-usapan online ang naranasang pangungutya sa anak ng TV host na si Bianca Gonzalez-Intal at PBA player na si JC Intal.
Isa kasing netizen ang nag-post ng masasakit na comment sa photo ni Baby Lucia na in-upload ni Bianca. Marami tuloy mga netizens ang kumundena sa tinamong panlalait ng baby ni Bianca, dahil sa kulay lamang ng kaniyang balat.
IN PHOTOS: Baby Lucia, the beautiful morena daughter of Bianca Gonzalez and JC Intal
Nag-post naman si Bianca ng isang throwback photo niya noong 10 years old siya kung saan inamin niya na siya ay na-bully dahil sa pagiging morena.
Kuwento ng magaling na TV host, “10-year-old-me to bullies calling me "negra" be like .. Fast forward to me in my 30s, and haters still bully me "negra". Na-insecure din ako nung bata ako, until I discovered my talents and built real friendships and realized skin color doesn't matter.”
Dagdag niya, “The past few days have been so eye-opening, to find out that so many people are still bullied for being maitim. 2016 na, huy! Naniniwala ka pa rin ba na "mas maganda" ang maputi kaysa sa maitim?”
Pinagdiinan din ni Bianca na ang mga Pinoy ay dapat maging proud sa kulay natin at nagbigay siya ng payo na ang pagiging morena ay isang magandang katangian.
“Pinoy tayo, kayumanggi ang kulay natin, be proud of it! To any young Pinoy reading this, huwag na huwag ma-pressure na magpaputi dahil hindi mo kailangan 'yan, maganda ang kulay mo. To parents, siblings, best friends, special someones of anyone being bullied for being dark, reassure them that their color is beautiful and they need not be fairer to be appreciated. Whether you're born with dark or fair skin, embrace your color and be proud of it.”
Panghuli, nagpasalamat siya sa lahat ng tao na nagbigay ng suporta sa kaniyang pamilya at nakakataba daw ng puso na maraming “proud morena.”
“Wala sa kulay ng balat 'yung halaga mo bilang tao; nasa pakikisama mo at kung paano mo ibinabahagi 'yung talents mo na mahalaga. Thank you to everyone who shared their thoughts and comments, nakakatuwa na madaming #proudmorena!!!!”
MORE ON BIANCA GONZALEZ:
Cutest sleeping babies you have to see