GMA Logo GMA Network Entertainment
What's Hot

MUST-READ: Fantasy drama tungkol sa astral projection at iba pang kuwentong dapat abangan sa GMA

By Marah Ruiz
Published July 19, 2022 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Network Entertainment


Narito ang isang sneak peek sa tatlong upcoming teleserye na dapat abangan sa GMA.

Patuloy ang GMA Network sa paggawa ng mga natatanging kuwento na pupukaw sa imahinasyon at damdamin ng mga manonood.

Tatlong kakaibang teleserye ang malapit nang mapanood sa inyong mga telebisyon.

Isa na riyan ang fantasy drama na The Stolen Life. Kuwento ito ng isang babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.

Tila perpekto na ang buhay ni Rona--mayroon siyang mapagmahal na asawa at mabuting anak, at namumuhay sila nang masaya at kuntento.

Kabaliktaran naman ito ng buhay ng pinsan niyang si Lucy. Nang aksidenteng mapatay ni Lucy ang babaero niyang asawa, magiging wanted criminal siya. Para takasan ang mga awtoridad, gagamitin niya ang astral projection para sumapi sa katawan ni Rona.

Si Rona, habang nasa katawan ni Lucy, ang makukulong para sa krimen. Sa kanyang paglaya, paano niya babawiin ang katawan at buhay na ninakaw mula sa kanya?

Isang traditional family drama naman ang matutunghayan sa A Mother's Tale. Iikot ang kuwento nito sa dalawang ina na magkaiba ng parenting style, at dalawang anak na magkaiba rin ang hinahanap na aruga mula sa kani-kanilang mga magulang.

Career-driven ang businesswoman na si Claudette kaya tutok na tutok siya sa kanilang negosyo. Dahil dito, hindi niya gaanong nagbibigyan ng pansin ang anak na si Celine. Gayunpaman, sinisugurado naman niyang walang kulang sa lahat ng pangangailangan nito.

Si Ninay naman ay isang single mother na kukunin ni Claudette para maging yaya ni Celine. Lalaki si Celine na mas malapit ang loob kay Ninay dahil sa yaya niya nakukuha ang lambing at kalingang inaasahan niya mula sa ina.

Pero sa likod ng aruga ni Ninay kay Celine ay ang pangungulila niya para sa sariling anak na si Neri. Para magkapagtrabaho kay Claudette, iniwan ni Ninay si Neri sa probinsiya kung saan maaga itong natutong tumayo sa sariling mga paa.

Nang makapasa sa isang prestihiyosong paaralan sa Maynila si Neri, tututulan ito ni Ninay dahil wala siyang pinansiyal na kapasidad para pag-aralin sa Maynila ang anak. Pero ma-impress si Claudette sa sipag at talino ni Neri kaya aalukin niya ito na sa bahay niya muna tumira para matuloy ang pag-aaral nito sa Maynila. Kay Claudette naman makukuha ni Neri ang mga bagay na hindi maibigay ni Ninay--suportang pinansiyal at gabay sa mataas niyang pangarap.

Sa pagsasama nilang apat sa iisang bubong, magiging magkaribal pa ba sa pagmamahal ng kani-kanilang anak sina Claudette at Ninay?

Exciting na palaisipin naman ang hatid ng mystery drama na Royal Blood. Tungkol ito sa misteryo ng pagkamatay ng isang mayamang family patriarch at ang pag-iimbestiga dito ng kanyang estranged son.

Nabuo ni Gustavo Royales ang kanyang yaman dahil sa iba't ibang malalaking negosyo kaya hindi naman katakataka na may magtatangka sa kanyang buhay.

Pero ayon kay Gustavo, galing mismo sa loob ng kanyang pamilya ang nais pumatay sa kanya. Kaya naman hahanapin niya si Ramil, isang dating NBI agent at anak niya sa labas na matagal na niyang itinatago, para tulungan siyang mag-imbestiga dito.

Matapos ang ilang araw, matatagpuang patay si Gustavo. Paano mag-iimbestiga si Ramil kung siya mismo ay isa sa mga suspects?

Abangan ang mga kakaiba at kapanapanabik na kuwentong 'yan, soon sa GMA!